Tulong para sa Agricultural Sector partikular sa mga magkakalabaw at maggagatas ang tinututukan ngayon ni Rep. Mark Llandro L. Mendoza Chairman ng House Committee on Agriculture &Food na kaniyang inihayag sa ginanap na kauna-unahang National Carabao Conference sa (PCC) Philippine Carabao Center sa Science City of Muñoz.
Ayon kay Mendoza, tamang programa para sa maggagatas at magkakalabaw ang nakikita nilang solusyon sa mga suliraning kinakaharap ngayon ng mga ito.
Aniya, bagaman mataaskasi ang kalidad ng mga gatas ng kalabaw sa bansa ay kulang parin ang supply nito kaya nais nilang mas palawigin pa ang industriya ng kalabaw sa Pilipinas.
Senigundahan naman ito ni Las Piñas City Rep. Mark Villar, aniya kasama ang kaniyang buong pamilya sa pagsuporta sa Agrikutura lalo pa nga at ang Piipinas ay kilala bilang isa sa mga bansang malaki ang naiaambag sa produksyon ng palay at iba pang Agricultural products.
Ayon sa kongresista, una ay dapat masugpo ang smuggling sa bansa na siya umanong pangunahing dahilan ng paghihirap o pagkalugi ng mga maliliit na magsasaka.
Nagpasa na rin siya aniya ng panukalang itaas ang parusa sa mga mapatutunayang sangkot sa anumang illegal na gawain partikular ang smuggling.
Dagdag pa ni Villar, malaki ang tulong na maibibigay ng pagkakaroon ng Carabao Congress upang maipaalam sa mga magsasaka o magkakalabaw ang mga makabagong teknolohiyang maaari nilang magamit sa pagpapa-angat ng kanilang mga hanapbuhay.
Samantala, suportado rin ng kongresista ang organic farming sa kaniyang pagsusulong ng isang panukalang naglalayong mapalawak at mai-promote ang pagkain ng mga organic foods. -Ulat ni MARY JOY PEREZ