
Handang tulungan ng Inang Mahal Party-List sa pangunguna ni Manay Gina De Venecia ang mga kababaihang naabuso sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Sa pagbisita ni Manay Gina kahapon February 27, 2019 sa ginanap na pagtitipon sa Cabanatuan City ay tiniyak nito na handa niyang tulungan ang mga babaeng biktima ng panggagahasa, incest, force prostitution, trafficking, wife battering o karahasan sa ilalim ng kanyang ipinatayong The Haven for Women.

Plano nito na magtayo ng Women’s Center sa Cabanatuan upang may masilungan ang mga kababaihang nangangailangan ng pag-aaruga katuwang ang ina ng lalawigan Governor Cherry Umali at maglalagay rin ng Livelihood Project para magkaroon ng hanap-buhay ang mga ito.

Ikinuwento naman ni Manay Gina na ang anak nitong si Congressman Christopher de Venecia na kinatawan ng 4th district ng Pangasinan ang kumausap sa kanya para tumakbong muli dahil sa halos dalawang taong panunungkulan nito ay wala pa umano itong nakikitang kinatawan na sumesentro sa pag-aaruga sa mga nanay sa bansa.
Kaya naman itinatag aniya nito ang Inang Mahal Party-List upang isulong ang lahat ng adhikaing magpaangat sa estado ng mga nanay sa Pilipinas at maipagtanggol ang lahat ng kababaihan partikular ang mga naaabuso at namamaltrato.
Si Maria Georgina ” Manay Gina “Perez-de Venecia ay anak ng sikat na Starbuilder ng Sampaguita Pictures na si Doc Jose Perez, naging miyembro ng Philippine House of Representatives sa ika-apat na distrito ng Pangasinan at maybahay ng five-time Speaker, Jose De Venecia Jr.
Naging pangulo ng Congressional Spouses Foundation ng limang taon at naging pangulo din ng Association Of Lady Legislators.

Nagtatag ng Women’s Desk sa lahat ng himpilan ng kapulisan noong February 15, 1997 katuwang ni DILG Secretary Late Senator Robert Barbers at ngayon ay tumatakbong first nominee ng Inang Mahal Party-List.
Kasama rin ni Manay Gina sa pagbisita sa lalawigan ang third nominee ng Inang Mahal Partylist na si Mrs. Vicky Ablan.
Dumalo rin sa pagtitipon ang lokal na partidong Unang Sigaw ni Atty. Aurelio “Oyie” Matias Umali, Board Member sa ikatlong distrito Macoy Matias at Darrel Morales kasama rin sina Gave Calling, Norgen Castillo, Jan-Jan Cecilio, Ambot Del Mundo, Jubal Esteban, Fortune Eusebio, Epoy Fernandez, Ariel Severino, Allen Tolentino At ang Independent Cabanatuan City Mayoral Candidate At Broadcaster Si Philip “Dobol P” Piccio.-Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN.