Mayor Daus, pinabalik ang mga balotsa sa Treasurers office

Hinarang ni Mayor Alex Daus ang pagkolekta ng mga tauhan ng House of Representatives Electoral Tribunal sa mga ballot boxes sa munisipyo ng laur na naging dahilan ng pagkaantala nito.

Panandaliang Naantala ang pag kolekta sa mga balota ng mga kawani  ng House of the Representative Electoral Tribunal (HRET) sa Office of the Treasurer sa loob ng munisipyo ng Laur  nitong Sept 8 2017 ng ikagalit ni Mayor Alex Daus ang paglalabas aniya ng balota na hindi sya na iimpormahan.

Pag kuha ng balota, ipinagpatuloy rin

Ipinabalik sa loob ng Treasurers office ang mga balota at  nagkaroon ng close door meeting sina Teofilo de Castro Jr. examiner mula sa HRET at si Mayor Daus.   Ilang minuto pagkatapos ng close door meeting ay sinimulang muli ang pag bibilang sa mga ballot boxes. Umabot sa mahigit 37 boxes ang nakolekta sa Laur.  Pagkatapos I-load sa truck ay kinuha naman ang mga listahan ng mga  botante sa Comelec Office at dinala sa Comelec office  sa Old Capitol Cabanatuan City na  binabantayan ng Comelec,  at mga representante ng dalawang partido.

37 ballot boxes, nakuha sa Laur

Matatandaan na dahil sa Electoral protest na inihain  ni Former Governor Aurelio  Umali laban kay  Congressman Rosanna Vergara ay ipinakokolekta ng House of the Representative Electoral Tribunal ang mga balota sa ikatlong distrito ng Nueva Ecija. Gagamiting ebidensya ang mga nakolektang  balota upang mapatunayan kung may nangyaring anomalya sa nakaraang 2016 elections.  Ipadadala sa House of the representative electoral tribunal ang mga balota kung saan gagawin ang recount.-Ulat ni  Amber Salazar