178 na mga magsasaka mula sa 12 bayan sa lalawigan ang nakiisa sa ikatlong Kumperensya ng Magsasaka ng Nueva Ecija.

178 na mga magsasaka mula sa 12 bayan sa lalawigan ang nakiisa sa ikatlong Kumperensya ng Magsasaka ng Nueva Ecija.

“Tunay na reporma sa lupa, subsidyo sa patubig, pagbaba ng usura, at ayuda mula sa gobyerno” yan ang patuloy na panawagan ng mga magsasaka, manggagawang bukid, at iba pang sektor sa ginanap na ikatlong Kumperma o Kumperensya ng mga Magsasaka ng Nueva Ecija.

Ayon sa Pangalawang Pangulo ng Kumperma na si Kapitan Gerry Cortez, itinatag ang nasabing organisasyon upang itaguyod ang interes at mga lehitimong karapatan ng uring magsasaka sa lalawigan.

Pangunahing isinusulong ng  Kumperma ang pagpapataas ng presyo ng mga lokal na produktong palay, sibuyas, at gulay sa pamamagitan ng pakikipag-dialogue, at  konsultasyon sa iba’t ibang sektor at paghahapag ng mga isyu sa mga sangay ng pamahalaan.

Ilan sa mga malalaking isyu sa agrikultura ay ang mababang presyo ng palay samantalang napakataas ng halaga ng produksyon kaya nalulugi ang mga magsasaka.

At pagbaha ng imported na sibuyas sa panahon ng anihan ng lokal na sibuyas na nagiging dahilan ng pagbagsak ng presyo nito.- ulat ni Clariza de Guzman