Bilang taunang aktibidades ng Division of Nueva Ecija muling ipinatawag ng kagawaran ng Edukasyon ang ibat-ibang paaralan sa buong lalawigan na kinabibilangan ng elementarya at sekondarya upang piliin ang mga matatalinong mag-aaral na isasabak sa Division Nueva Ecija Qiuz Bee , at naging kampeon namang muli ang Sta. Rosa National High School para sa taong kasalukuyan.
Bilang parte ng selebrasyon ng ika isang daan at labing siyam na taon ng lalawigan ay muling nagpakitang gilas ang mga piling estudyante mula sa ibat-ibang paaralan sa buong Nueva Ecija.
Naging masusi ang pagpili sa mga pambato ng mga eskwelahan sa Grade 7 at 8 pagkat sinala sila mula sa kani-kanilang paaralan, nagkaroon din ng Congressional District at hanggang natira ang mga pinakamahuhusay na estudyante upang isabak sa naturang quiz bee.
Ang Quiz Bee na ginanap ay naayon sa Division Order o DepEd order no.82 series of 2015.
Layunin ng naturang Quiz Bee na bigya ng pagkakataon ang mga kabataang Novo Ecijano mula elementarya hanggang sekondarya na maipakita ang kanilang galing sa larangan ng patalinuhan.
Naglalaman ng dalawamput tatlong katanungan ang inihanda upang sagutin ng bawat kalahok at itoay naaayon lamang sa kasaysakayn ng Nueva Ecija .
Ang mga hurado naman ay nagmula sa departamento ng elementarya na maituturing na mga historian at dalubhasa sa Aralin Panlipunan.
Dagdag naman ni Penaflor Buendia ang siyang pangulo ng asosasyon ng Araling Panlipunan ng Division of Nueva Ecija na mahalaga ang ganitong patimpalak pagkat mahirap para sa isang tao na hindi mo naiintindihan ang kasaysayan kung kaya mas mainam na malaman ng mga kabataan kung ano ang mga naganap sa lalawigan.
Mahalaga namanani ni Irene Valle ang naging papel ng mga coaches pagkat sila ang didipende sa mga sagot ng mga kalahok kung sila ay nagkaroon ng agama gam sa mga sagot.
Pumangatlo sa pwesto ang Magpapalayok National High School na nakakuha ng 14 pts ikalawang pwesto naman para sa Ricardo National High School sa bayan ng Laur, at muling hinawakan ng Sta. Rosa National High School ang Unang Pwesto para sa taong ito.
Sa kabilang banda Naging malaking hamon parin ito sa Sta. Rosa National High School.
Nagpaabot naman ng mensahe si Nueva Ecija DepEd Educational Program Supervisor Eva Fe Taclibon sa mga lumahok sa Quiz Bee.