Panayam ng boses ng katotohanan Philip "Dobol P" Piccio sa pambato ng Liberal Party na si Secretary Mar Roxas

Panayam ng boses ng katotohanan Philip “Dobol P” Piccio sa pambato ng Liberal Party na si Secretary Mar Roxas

Sa panayam ni Mr. Philip Piccio sa Programang Dobol P ng TV48 kay Interior Secretary Mar Roxas, sinabi nito na ang pagpapatuloy niya ng daang matuwid ay hindi pangako, bagkus ay isang misyon para sa patuloy na pagbibigay ng serbisyo para sa mga mamamayang Pilipino.

Kaiba sa ibang mga pulitiko na laging slogan sa pangangampanya ay pagbabago, kay Sec. Mar naman ay pagpapatuloy, giit niya, bakit pa kailangang lumihis kung nariyan na ang daang matuwid.

Kwento ni Sec. Mar, wala sa kanyang plano noon ang pumasok sa pulitika, ngunit bata pa lamang aniya siya tumimo na sa kaniyang murang isipan ang mga pangaral ng kanyang mga magulang na maging mapagmahal at matulungin sa kapwa lalo na sa mga salat sa buhay.

Masayang pagsalubong ng mga Novo Ecijano sa pagbisita ni Secretary Mar Roxas sa Lalawigan ng Nueva Ecija

Masayang pagsalubong ng mga Novo Ecijano sa pagbisita ni Secretary Mar Roxas sa Lalawigan ng Nueva Ecija

Taong 1993 nang tuluyan ng pasukin ni Roxas ang mundo ng pulitika kung saan nagsilbi siya bilang Kongresista ng Unang Distrito ng Capiz.

Taong 2000 naman nang italaga siya ni dating Pangulong Joseph Estrada bilang DTI Secretary, kasabay ng matinding krisis noon sa ekonomiya sa pandaigdigang pangangalakal, na nagtulak kay Roxas upang isulong ang BPO Call Center, na nakalikha ng libu-libong trabaho para sa mga Pilipino.

Samantala, kabilang naman sa binigyang diin ni Sec. Mar na mga programang malapit sa kanyang puso na nais niyang ipagpatuloy at lalong pag-igihan ay ang 4P’s, Philhealth, programa sa pagpapamura ng presyo ng mga gamot at inprastraktura. -Ulat ni Shane Tolentino