Daan-daang estudyate kabilang ang mga guro mula sa walong distrito ang nakiisa sa ginanap na CD IV Pressconference sa Peñaranda National High School noong nakaraang lunes August 18.

Ang CD-IV Pressconference ay isang paligsahan kung saan nagtatagisan ng galing at talino ang bawat kalahok sa pagsusulat at pagbabalita.

Siyam na kategorya ang inihanda ng mga evaluators upang makita at mapalabas pa ang angking husay ng mga estudyante.

Kabilang sa mga category ang sports writing, editorial writing, news writing at radio broadcasting.

Matatandaan noong nakaraang buwan nang aming ibalita ang katatapos lamang na 2014 Division Training for School Paper Advisers with the Integration of ICT through Collaborative Desktop Publishing o ang mas lalong paghasa sa pagsusulat ng mga English at Filipino advisers mula sa lalawigan ng Nueva Ecija na isinagawa sa NEHS o Nueva Ecija High School.

Ayon kay Gng. Elizabeth Galindo, ICPS in English ng DEPED o Department of Education, ang nasabing pagsasanay ng mga guro noong hulyo  ay upang paghandaan nga ang apat na pressconference kabilang na nga ang pressconference na ito.

Kitang-kita ang galing ng mga estudyante sa public at private high schools at elementaries sa pagbabalita at pagsusulat.

Kaya naman ang mga teacher at nagsilbing hurado sa patimpalak ay nahirapan umano sa pagpili kung sino ang tatanghaling panalo sa bawat kategorya lalo na sa radio broadcasting dahil ang mga kalahok ay talaga namang nagpamalas ng kanilang husay at kaalaman.

Samantala, nagpatuloy ang paligsahan na ginanap sa tatlo pang bayan at lungsod sa probinsya noong August 19, 20 at 21 sa Palayan City National High School, Talugtog Nationla High School at Cuyapo National High School.

– Ulat ni MARY JOY PEREZ