
Delegates in The Arbitral Tribunal of the Permanent Court of Arbitration
Masasabing huling bala na ng pilipinas ang pag lapit sa Arbitral Tribunal of the Permanent Court of Arbitration in The Hague upang maidepensa ang west Philippine sea laban sa china sa legal na paraan. Sa unang depensa ng pilipinas kailangan nitong ipakita na may laban ang bansa sa pag angkin sa mga isla ng west Philippine sea. Sa susunod na level ng depensa kailangan na maipakita ng pilipinas na hindi valid ang nine dash line ng China.

Chinas Claim (red lines) compared to UNCLOS 200 nautical mile EEZ (Blue Lines)
Kung tutuusin ay malaki ang laban ng pilipinas sa usaping ito dahil suportado ng mga dokumento at ng international law of the sea ang mga pahayag ng Bansang Pilipinas. Dinadaan man ng pilipinas sa legal na paraan ang pag angkin sa kalayaan group of island at scarborough shoal ay patuloy naman nagtatayo ng air at maritime base ang China sa West Philippine Sea.
Ayon sa mga eksperto ay paraan ito upang maging mas mahirap ang pag papaalis sa China sa West Philippine Sea at kapag natapos nito ang ilang mga man-made island at maritime base ay kaya na nitong I-monitor ang mga barko at mga eroplano na papasok sa loob ng west Philippine sea.
Hindi lamang ito pagbabanta laban sa mga pwersa military kundi magagawa na rin nilang mahawakan ang mga papasok na mga barkong may dalang mga kargamento dito. Daan pang kalakalan ang west Philippine sea ng halos lahat ng bansa na may ilalabas at ipapasok na kalakal sa South East Asia.

Philippine flag on the disputed Scarborough Shoal in the West Philippine Sea
Kaya naman nakasuporta ang Japan, Taiwan, Vietnam at lahat ng mga bansa sa South East Asia sa laban ng 9 dash line claim ng China. Hindi lamang makaka apekto sa ating bansa ang mga pangyayaring ito kundi maari rin maka apekto sa kalakalan sa buong mundo. Ito rin umano ang isang dahilan kung bakit todo ang suporta ng ibag bansa sa laban ng Pinas.
Sa ngayon ay patuloy pa rin an apela ng Pilipinas sa UNCLOS at patuloy rin ang pag buo ng mga isla ng China sa West Philippine Sea. – Ulat ni Philip “ Dobol P “ Piccio