Inanunsiyo na ang mga mapalad na mag-aaral na pumasa bilang mga bagong iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan sa ginanap na orientation sa Old Capitol, Cabanatuan City.

Ayon kay May Roxas ng PAMO o Public Affairs and Monitoring Office, on going na ang pagpaparehistro ng mga bago at renewal na iskolar.

Aniya, ang mga pinalad na mag-aaral na kumuha ng eksaminasyon noong May 20 ay maaari ng tumungo sa kanilang opisina.

Sa datos ng PAMO, sa kasalukyan ay may dalawang daan at apat na put walo na ang nakarehistro para sa mga bagong iskolar. Habang ang mga renewal ay nasa isang libo at apat na raan.

Nilinaw din ng PAMO na ito pa lamang ang naitatala, dahil sa iba’t-ibang schedule ng pasukan ng mga eskwelahan.

Ang bawat isa ay makakatanggap ng P3,500 kada semestre o P7,000 kada taon.

Kaya’t lubos ang pasasalamat ng mga bagong iskolar sa Pamahalaang Panlalawigan, dahil malaking tulong umano ito para sa kanilang pag-aaral.

Ang Scholarship Program ay isa sa mga hakbang ni Gov. Aurelio Matias-Umali upang bigyang katuparan ang hinahangad ng bawat kabataang novo ecijano na makapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Paalala ng PAMO, kung sakaling hindi pa nakatatanggap ng anumang tawag o text galing sa kanilang opisina ay intayin lamang ang kanilang anunsiyo sa mga susunod na araw hanggang July 15. -Ulat ni Danira Gabriel

[youtube=http://youtu.be/BV13YvVI87Q]