Cabanatuan City- Sumasailalim sa imbestigasyon ng otoridad ang isang motorsiklo na natagpuan sa barangay Kalikid Sur, Cabanatuan City na hinihinalang ginamit na get-away vehicle ng mga suspek na pumatay kay Kapitan Roger “Od” Pascual ng barangay Camp Tinio.

Base sa ulat ng pulisya, bandang alas otso ng umaga tatlong araw matapos paslangin ng riding-in-tandem si kapitan Od Pascula, nadiskubre ng isang BPAT member ang abandonadong motor malapit sa sa sapa sa Purok Uno, Pantok, Kalikid Sur.

Natukoy sa isinagawang beripikasyon sa LTO Cabanatuan District Office na pag-aari at nakarehistro kay Federico Amotillo Sr. ng Anolid, Malasique, Pangasinan ang nasabing sasakyan.

Gapan City- Dead on arrival sa ospital ang isang utility worker ng Health Center ng barangay Sta. Cruz, lungsod ng Gapan makaraang ratratin ng tandem.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng kwarenta’y singkong baril sa ulo at iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktimang si Ernesto Jimenez y Mangulabnan, kwarenta’y otso anyos, balo, at residente ng naturang barangay.

Ayon sa pagsisiyasat ng Gapan City Police, dakong alas onse kwarenta’y otso ng umaga habang hinihintay ng biktima ang kanyang anak sa Sta. Cruz Elementary School para sunduin  ng bigla na lamang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek.

Kaagad tumakas ang gunman kasama ang isa pang hindi natutukoy na suspek sakay ng isang motorsiklo.-Ulat ni Clariza de Guzman

 

[youtube=http://youtu.be/6ejjL6b_adc]