Sakay ng kanyang motorsiklo pauwi sa bahay si Jerson dela Cruz nang pagbabarilin ng gun man lulan ng hindi natukoy na motor sa highway sa barangay Ligaya, Gabaldon.

Sakay ng kanyang motorsiklo pauwi sa bahay si Jerson dela Cruz nang pagbabarilin ng gun man lulan ng hindi natukoy na motor sa highway sa barangay Ligaya, Gabaldon.

   Maswersteng nakaligtas sa tangkang pagpaslang sa kanya ang Number 1 sa target list ng mga drug personality ng Gabaldon Police Station.

   Kinilala ang biktimang si Jerson dela Cruz y de Guzman, 36-anyos, may asawa, at residente ng barangay South Poblacion, Gabaldon.

   Base sa report ng pulisya, 6:30 ng gabi papauwi ang biktima sakay ng minamanehong motorsiklo, habang binabagtas nito ang kahabaan ng National Highway sa Purok Magsaysay, barangay Ligaya nang paputukan ng maraming beses ng suspek lulan ng hindi natukoy na motor.

   Matapos ang pamamaril ay kaagad na naisugod sa Gabaldon Medicare si dela Cruz para sa pang-unang lunas, at inilipat sa Good Samaritan Hospital sa Cabanatuan City.

Kapwa nakauot ng bonnet ang riding in tandem na namaril sa tricycle driver na si Renato Enriquez habang nakatambay sa harap ng bahay sa Poblacion, San Antonio.

Kapwa nakauot ng bonnet ang riding in tandem na namaril sa tricycle driver na si Renato Enriquez habang nakatambay sa harap ng bahay sa Poblacion, San Antonio.

   San Antonio- isa na namang tricycle driver ang pinagbabaril at napatay ng riding in tandem sa barangay Poblacion.

   Idineklarang dead on arrival sa San Antonio District Hospital ang biktimang si Renato Enriquez y Reyes, 40, binata, at residente ng naturang lugar.

   Batay sa imbestigasyon ng San Antonio Police Station, 10:45 ng gabi, nasa harap ng kanilang bahay ang biktima nang lumitaw ang dalawang suspek na kapwa nakasuot ng bonnet, magkaangkas sa isang kulay pulang Racal motorcycle, wave style, na walang plaka at bigla na lamang pinagbabaril ang biktima.

   Narekober ng SOCO sa crime scene ang isang basyo ng bala caliber .9mm at isang deformed slug ng hindi pa natutukoy na baril.

   Munoz- ninakawan umano ng kanyang mga kasambahay na maglive-in partner ang isang negosyante sa kanyang tahanan sa Purok sais, barangay Villa.

   Kinilala ang biktimang si Maria Luisa Rama y Corpuz, habang ang magkarelasyong suspek ay tinukoy na sina Mea Zafara, 20-anyos, residente ng Cebu City, at Jerry Gonatice y Estueta, 19, at residente ng barangay San Isidro Kanwaling, San Jose, Occidental Mindoro.

 Hinihinalang ang maglive-in partner na sina Mea Zafara at Jerry Gonatice na mga kasambahay ni Maria Luisa Rama ang nagnakaw ng kanyang mga alahas, at pera sa loob ng kanyang kwarto.

Hinihinalang ang maglive-in partner na sina Mea Zafara at Jerry Gonatice na mga kasambahay ni Maria Luisa Rama ang nagnakaw ng kanyang mga alahas, at pera sa loob ng kanyang kwarto.

   Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, lumalabas na binaklas ng suspek ang kisame ng bubong sa 2nd floor ng bahay at dito dumaan papasok sa kwarto ng biktima.

   Alas tres ng hapon nang matuklasan ng anak na babae ni Rama na nawawala ang mga alahas, apple i-pod, perang nagkakahalaga ng Php50, 000.00, at $1, 000.00.

   Naghinala umano ang anak ng biktima na ang maglive-in na mga kasambahay ang kumuha ng mga nawawalang pag-aari ng ina kaya tsinek nito sa kanilang kwarto ang dalawa ngunit wala na ang mga ito maging ang kanilang mga kagamitan.- ulat ni Clariza de Guzman.