Aabot sa humigit kumulang 2,000 residente ng bayan ng Llanera ang mabebenepisyuhan ng Cash for Work Program na handog ng Pamahalaang Panlalawigan at ng LGU Llanera.

Ang Cash for Work Program ay isang programa ng Lokal na Pamahalan ng Nueva Ecija sa ilalim ng pamunuan ni Gov. Oyie Umali kasama sina Llanera Mayor Lorna Vero, 3rd District Congw. Cherry Umali at (PAMANA) Pamayanang  Nagkakaisa  Producers Cooperative na may layuning mabigyan ng emergency employment ang mga Novo Ecijanong kapos sa pinansyal partikular ngayong mga panahon na tinatawag nilang gawat.

Kwento ni Mayor Vero, hikahos sa buhay ang marami sa kaniyang mga kababahayan dala ng kawalan ng hanapbuhay kaya lubos ang kaniyang pasasalamat kay Gov. Oyie sa programang hatid nito sa kanilang bayan.

Ilan sa mga gawaing gagampanan ng mga residente partikuar ang mga kababaihan ang paglilinis o clean and green activities habang ang mga kalalakihan naman ay tutulong sa pagsasaayos ng mga sirang tulay at dike sa kani-kanilang mga barangay.

Makatatanggap ng P125 na sweldo kapalit ng apat na oras na pagtatrabaho kada araw ang mga residente na mula sa pondo ng Cash for Work Program at ang iba pang bahagi nito ay ilalaan sa ilan pang programa ng Munisipyo kabilang na ang Bamboo Development program.

Samantala sa kabila nito, kamakailan lang ay ginawaran ng Seal of Good Local Governance (SGLG)ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang bayan ng Llanera para sa pagkakaroon ng maganda at mabuting pamamahala.-Ulat ni MARY JOY PEREZ