
Pinaindak ng labing siyam na kandidatang LGBTQ ang mamayan ng Bongabon sa kanilang pag-rampa suot ang gown na gawa sa recycled materials na may iba’t ibang disenyo at makukulay na costume habang sinasabayan ng masayang musika sa ginanap na Sayaw sa Kalye 2019.
Itinanghal na kampeon ang 18 taong gulang na si Marcel De Guzman o kilala bilang ‘Patty’ ng Bongabon, naguwi siya ng P10,000 at Overnight Stay sa Highland Bali Villas Resort and Spa.
Habang 2nd placer naman si candidate #49 na si Mayumi Maravilla mula sa Cabanatuan City na nag-uwi ng P6,000, gift certificate mula sa Hapag Vicenticos at Overnight Stay sa Harvest Hotel.

3rd placer naman si candidate #5 na si Deedee Verginiza ng Bongabon, na nakatanggap ng P4,000 at Overnight Stay sa Crystal Waves.

Ayon kay Armando Giron, Chairman ng Sayaw sa Kalye 2019, Pagkakataon na aniya na buksan at ipakilala sa kanyang Bayan ang Pink Tourism dahil ang third sex ay matagal na umanong nakaposisyon sa buong asya na tinatawag na ‘Pink Tourism’ o Gay Men, Lesbians, Bisexual, Transgender (LGBT).
Pasasalamat ang tugon ni Giron sa mga tumulong at sumuporta sa naturang patimpalak.

Suportado naman ni Marlene Aguilar na isa sa mga hurado ng Sayaw sa Kalye 2019, ang LGBTQ dahil naniniwala ito na ang bawat indibidwal ay may karapatang mahalin, magmahal at maging malaya.
Kaugnay nito iginawad din ang mga special awards na katulad ng Best in Awra Award, Bet na Bet ng mga Beshie Award, Ramparada Award, Best in costume Award, at Hataw Sa Kalye Award.

Layunin ng patimpalak na mapagsama sama ang galing, talino at talento ng LGBTQ. -Ulat ni Getz rufo Alvaran