
Fogging sa Taiwan upang maiwasan ang pag kalat ng dengue //photo by topnews
Naitala ang pinaka mataas na kaso ng dengue outbreak sa Taiwan ngayong taon ng simirit ang bilang nito sa 17,112 cases para sa taong 2015 lamang, yan ay ayon mismo sa Center for Disease Control o CDC.
Nag simulang tumaas ang kaso ng dengue sa pag pasok ng tag-araw at hindi na mapigil ang patuloy na pag kalat nito hanggang ngayon.

Dengue Carrier
As of September 26 2015 pinaka mataas ang kaso sa Tainan kung saan 14,811 cases ang naitala o 86.55 % ng total cases sa buong Taiwan 2,025 cases sa Kaosiung o 11.83 percent ng total cases.
Mas mababa ang kaso nito kaysa sa iba pang mga lugar na kumpirmadong may mga kaso ng dengue katulad ng Taipei, Taichung, Pingtung, new Taipei, Taoyuan, Chiayi county, Hsinchu county at Chiayi City.
Isinisisi ang outbreak na ito sa iba’t ibang uri ng lamok sa Southern at Northern Taiwan na ngayon ay carier na ng nakamamatay na sakit na dengue
Ayon sa mga pag aaral ay hindi agad bababa ang kaso ng dengue sa Taiwan at maaaring manalasa ito hanggang January 2016. Malamang umano ay umabot pa ng 30,000 hanggang 37,000 ayon kay CDC Deputy Director-General Chuang Jen-hsiang
Patuloy ang fogging sa mga lugar ng outbreak at inaasahang ang maagang detection ng dengue ay ang pinaka mabisang paraan upang hindi na lumala pa ang sakit ng mga dinapuan nito

Anti-Dengue campaign sa Taipei, Taiwan //photo by focustaiwan
As of September 23 ay 42 deaths na ang naitala sa Taiwan ng dahil sa dengue . Bukod sa Taiwan ay bumabaha na rin ng kaso ng dengue sa Malaysia na may 90,000 cases na may 234 deaths as of September 12, Singapore na may 7,266 cases at Vietnam na pumalo na sa 39,000 cases. Kung hindi maaagapan inaasahan na patuloy na papalo ang mga kaso ng dengue sa buong south east asia – ulat ni Philip “Dobol P” Piccio