Naipamahagi na ang tig-250 bags na semento sa labing dalawang barangay ng Bayan ng Gen. Tiñio na personal na inihatid ng ina ng Lalawigan Congw. Cherry Umali, kamakailan, para sa pagpapasemento ng kanilang mga kalsada bilang bahagi ng Road Concreting Projects ni Governor Aurelio Matias Umali.
Ang labing dalawang barangay na nakatanggap ng mga semento ay kinabibilangan ng Barangay Bago, Barangay Concepcion, Barangay Nazareth, Barangay Palale, Barangay Pias, Barangay Poblacion Central, Barangay Poblacion East, Barangay Poblacion West, Barangay Pulong Matong, Barangay Sampaguita, Barangay San Pedro at Barangay Padolina.
Ayon kay Congw. Cherry Umali, kung kukulangin pa ang 250 bags upang matapos ang pagpapasemento ng kalsada ng bawat barangay ay handa pa aniya nilang dagdagan ni Gov. Oyie ang mga semento upang matapos agad ang proyekto sa kanilang lugar, na labis na ikinatuwa ng bawat Kapitan at Barangay Officials ng naturang mga Barangay.
Isinagawa ang pamamahagi sa Barangay Bago kung saan pinuri ni Congw. Cherry ang mabilis na pagpapagawa ng Barangay stage doon, aniya isang buwan pa lamang ang lumipas ng kanilang maihatid ang ilang materyales sa pagpapagawa nito ngunit ngayon ay gawa na ito at kanila ng nagagamit.
Nagpasalamat naman ang ina ng Lalawigan sa pakikipagtulungan ng bawat Barangay Officials upang maisakatuparan ang mga proyektong kanilang ibinababa para sa kapakinabangan ng bawat mamamayan ng mga barangay.
Hinatid naman ng truck na may karga ng mga semento sa bawat barangay ang mga materyales upang hindi na mamoroblema ang mga barangay recipients, na ayon na rin sa diskresyon ni Congw. Cherry.-Ulat ni Danira Gabriel
[youtube=http://youtu.be/o-U2gacPYeI]