Ang Schizophrenia ay isang uri ng mental illness na noong unang panahon na ito ay hindi pa naiintindihan , inaakalang nakakaita ng mga aprisyon, masamang espirutu , at kung ano-anong bagay na paranormal ang nakikita ng  taong may Schizophrenia.

Kinatatakutan ang mga taong mayroon nito noon, dahil sa inaakalang sinasaniban ng masamang espiritu o di kaya’y may kinalaman sa mga paranormal na bagay ay pinahihirapan, at itinatago na lamang sa isang kwarto hanggang sila ay tumanda na at mamatay.

Katulad ng ibang mental illness, ang Schizoprenia ay hindi lubos na naiintindihan, gayunpaman hindi katulad ng inaakala ng marami na hindi kayang ma-control ang Schizophrenia at bayolente ang mga taong meron nito, ay marami nang pag-aaral ang naisagawa kung saan napatunayan na mali ang konseptong ito.

Ang mga taong may Schizophrenia ay hindi na alam ang kaibahan ng riyalidad sa halusinasyon at paranoia.

Maaaring makaranas ng sobrang takot sa isang bagay na hindi naman totoo ang isang taong may Schizophrenia, hindi ito madaling pigilin dahil para sa taong may Schizophrenia ang kanilang nakikita, naririnig at nararamdaman ay  tamang lahat.

Ang mga lalaking may edad 30 pababa ang madalas nakakaranas ng depresyon dahil sa Schizophrenia at mataas ang suicidal rate ng mga taong meron nito.

Hindi imposibleng ma-detect kung nagsisimula nang magkaroon ng Schizophrenia ang isang indibidual.

Maaaring unti-unti nang nahihirapan makisalamuha ang isang taong nadedevelop na ang Schizophrenia.

Nagiging irrational at nagkakaroon ng kakaibang uri ng paniniwala sa mga imposibleng bagay o paranoia.

Nagiging suspetsyoso na at laging mainit ang ulo, tumatawa ng wala sa lugar, nagkakaroon ng insomnia o maaaring sobra naman sa pagtulo at nagiging pabaya sa sarili at sa personal hygine.

Gayunpaman ang mga sintomas na ito ay maaaring hindi rin dahil sa schizoprenia at ang pinakamagandnag gawin ay magpakonsulta sa mga psychologist upang madetermine ang sanhi nito.

 

Sa mga mental institute sa bansang Pilipinas, Schizoprenia ang may pinakamataas na kaso at kadalasang pumupuno sa mga mental hospitals.

Maaaring dahil sa ipinagbabawal na gamot at marami pang iba ang dahilan ng pagkakaroon ng Schizophrenia.

Habang ang Bipolar Disorder naman ay isang mental disorder din na kilala bilang isang manic-depressive illness, ito ay uri ng sakit na nagpapabago ng mood, energy, at kakayahang tapusin ang pang- araw-araw na Gawain.

Hindi madali ang nararamdaman ng isang taong may Bipolar Disorder, maaaring biglaang magbago ito ng mood na maaaring makaapekto sa relasyon nito sa pamilya, kaibigan , mahal sa buhay at pakikisalamuha sa ibang tao.

Gayunpaman maaaring magamot ang isang taong may Bipolar Disorder at maaaring maging normal muli ang buhay nito kung ito ay maayos na magagamot.

Ang taong may bipolar, at may history na sa pamilya ang kadalasang tinatamaan din nito.

Gayunpaman, ayon sa mga pag-aaral may kinalaman din sa brain structure ang pagkakaroon nito.

Ang mga senyales ng bipolar ay  kadalasang nakikita sa paiba-ibang ugali nito. At kadalasang pagkakaroon ng extreme moods katulad ng sobrang masayahin na parang high sa droga, sobrang pagka-malungkutin at animo’y wala nang pag-asa sa buhay.

Nagkakaroon na rin ng kakaibang pagbabago sa pag-uugali katulad ng paiba-iba ng sinasabi at pagsasalita ng mabilis, madaling ma-distract sa mga bagay sa paligid, irritable, pagbabago sa sleeping, eating at iba pang nakasanayang gawin.

Kadalasang panghabang buhay ang bipolarism. Ang mga delikado dito ay ang mga late teens at early twenties. Sa edad na ito kadalasang lumalabas ang sintomas ng pagiging bipolar.

Novo ecijano, wag matakot pagpatingin sa espesyalista lalo pa’t kung maagapan ay mas maganda ang magiging resulta nito. – Ulat ni Philip “Dobol P” Piccio