Paano nga bang di mahuhulog ang puso mo sa isang cupcake na pinaghirapang gawin at tumanyag dahil sa napakasarap na red velvet chocolate base nito? Paano mo ring tatanggihan ang isang Oreo cookie na humalo pa sa isang oven-baked cheesecake cookie at nagmistulang “cookie on a cookie”?

Dalawa lamang ito sa mga sorpresang cupcake and cookie creations ni Karylle ng Kupcake Avenue. Pero sa cookie pa lang, ang nakatutuwa nang maalala ang unang pagdunk namin nito sa isang baso ng gatas at sariwain ang mga panahong maliliit pa lamang kami nang unang madiskubre ang salamangka ng cookies and milk. Sarap!

Sophistication naman ang dating ng halina ng red velvet cupcakes ni Karylle. Romantic at playful, akmang-akmang panregalo sa mga minamahal at syempre para rin sa sarili. Love yourself, tila imbitasyon nito sa unang engkwentro. Ibahagi man o sarilinin ang cupcake, isang di-makakalimutang sensasyon ang unang pagkagat dito.

At kung tila mapanukso at isang pangmatagalang pang-akit sa panlasa ang dulot ng red velvet, lambing na may kaunting brusko naman ang hatid ng dark chocolate-based cupcakes ng Kupcake Avenue. Matapang sa una sabay pasok ng tamis hanggang mahirap nang huminto sa pagtikim nito. Addicting, eka nga.

Kaya nga’t kahit ano pa sa kanila ang piliin mo, o kaya nama’y pareho, hindi mo talaga makakalimutan ang epekto ng una mong cupcake. Ganito rin ang pagmamahal na nadiskubre ni Karylle nang una siyang mag-aral mag-bake kaya’t gayundin ang pagmamahal na ibinibuhos niya sa bawat cupcake na gawa niya.

Dahil din sa debosyong ito, nagplaplano na siya at ang pamilya na magtayo ng isang cupcake café na kung saan mas maipamamalas niya ang buong cupcake experience, bukod sa pagiging in-demand supplier at home-based baker ng mga ito. Ito raw ang dapat abangan ng mga fans ng Kupcake Avenue at iba pang cupcake lovers.

 

Para sa karagdagang impormasyon:

Kupcake Avenue

Aduas Norte, Cabanatuan City

Karylle Cruz Mendoza

Mobile Number: 0915-910-1486

Facebook: Kupcake Avenue