ROLLBACK SA PRESYO NG PETROLYO, IPINATUPAD SA HULING LINGGO NG PEBRERO 2023
Ipinatupad kahapon ng umaga ng mga kumpanya ng langis ang bawas presyo ng produktong petrolyo ,
Diesel PHP 1.30/L
Gasoline PHP 0.70
Kerosene PHP 1.80
Nagbawas ng PHP 1.30 sa bawat litro ng diesel, PHP 0 .70 sa gasolina at PHP 1.80 naman sa kerosene kada litro.
Ayon sa Department of Energy naghihilahan ang mga factors na pwedeng magpataas sa presyo sa world market gaya ng production cut sa Russia na 500,000 barrels ng langis sa susunod na buwan.
Ilan pa dito ang pagsipa ng demand ng China, ang pagtaas ng interest rate at sobrang supply ng petrolyo sa Amerika.
Babala ng mga industry players wala pang malinaw kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo kaya asahang baka muli na namang tataas ang presyo nito sa susunod na linggo.
SAMANTALA
TIGIL PASADA IKINASA NG 40K MGA TRADITIONAL JEEPNEY, U EXPRESS
Magsasagawa ng isang linggong tigil-pasada simula sa Lunes, Marso 6 ang mga tsuper ng mga pampasaherong jeepney at UV Express sa Metro Manila at iba pang panig ng bansa.
Ang nationwide strike ay isasagawa bilang protesta sa implementasyon ng Memorandum Circular No. 2023-13 ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan hanggang Hunyo 30, 2023 na lamang ang prangkisa ng mga jeepney at UV Express maliban kung sasanib sila sa mga kooperatiba o korporasyon kung saan mapapalawig ang kanilang pamamasada hanggang Disyembre 31, 2023.
Nangangamba ang mga tsuper at operator na ang MC 2023-013 ay magreresulta sa phaseout ng mga traditional jeepney at UV Express upang mapalitan ng mga mini-bus na binabansagang modernized jeepney.
Ayon kay Manibela Chairperson Mar Valbuena, tinatayang 40,000 jeepney at UV Express driver ang lalahok sa isang linggong tigil-pasada hanggang hindi binabawi ang kontrobersyal na utos ng LTFRB.