P4.15, tapyas sa presyo ng diesel; gasolina, walang bawas
Good news para sa mga jeepney drivers ang 3 beses na sunod-sunod na bawas presyo ng diesel ngayong buwan ng setyembre,kasabay pa ng pag-apruba ng land transportation franchising and regulatory board o ltfrb noong nakaraang linggo sa taas pasahe sa mga traditional at modern jeepneys, mga bus, taxi at transport network vehicle services (tnvs).
Kahapon ng alas sais ng umaga, martes, setyembre 20, ay may roolback na p4.15 /litro sa diesel at p4.45/litro naman sa kerosene samantalang sa gasolina ay bokya o walang tapyas.
Medyo nakakangiti na ang mga driver ng mga pampasaherong jeep dahil sa 3 linggong sunod-sunod na bawas presyo sa diesel kasabay pa ng pagtaas ng pamasahe sa susunod na linggo sa buwan ng oktubre. Kaya sana umano ay mag tuloy-tuloy na ang pagbaba ng presyo ng krudo.
Kaya ang magiging minimum fare sa mga traditional o lumang mga jeepney ay p12 na samantalang sa mga modern jeepneys naman ay nasa p14 sa unang apat na kilometro.
Para naman sa mga taxi operator ay inaprubahan na rin ang dagdag pasahe na p5 sa kanilang flagdown rate na dating p40 ngayon ay p45 na.
Inaasahang epektibo ang dagdag pasahe sa unang linggo ng oktubre.
Sa ngayon ang presyo ng diesel dito sa Shell crossing Cabanatuan
Ay nasa p 73.65 sa kanilang fuel save diesel bawat litro at sa gasolina ay nasa p 69.25 bawat litro sa kanilang fuel save gasoline
Sa Petron crossing ang kanilang diesel y nasa p73.55 at ang kanilang gasolina ay nasa p69 15 bawat litro
At dito naman sa Petrofil Cabanatuan medyo mababa dahil ang kanilang diesel ay nasa p69. 95 bawat litro at p65.25 naman ang kanilang gasolina