TURON, MARUYA, KABILANG SA THE BEST DEEP-FRIED DESSERTS SA BUONG MUNDO
Pasok ang pagkaing Pinoy na turon at maruya sa itinuturing na pinakamasarap na deep-fried desserts sa buong mundo, base sa inilabas na listahan ng Taste Atlas, na kilalang online food guide.
Nasa 21st spot ang turon na tipikal na gawa sa saging na saba at langka, pinagulong sa brown sugar at binalot ng spring roll wrappers, na nakakuha ng score na 4.10 out of 5.
Habang ang maruya na gawa sa hiniwa o minasang saging na mayroong harina at binudburan ng asukal pagkatapos maprito, ay nasa 36th na pwesto na may score na 3.90 out of 5.
Pahayag ng Taste Atlas, karaniwang ibinebenta ang turon at maruya ng mga Filipino street vendors at karaniwang meryenda ng mga Pinoy.
Mula sa Chinese spring rolls, tulad daw ng lumpia ay na-develop ang turon, na kumakatawan sa pinakakaraniwang sweet versions ng isang pagkain, dahil bago ihain ay binubudburan muna ito ng caramel o roasted sesame seeds.
Kinakain naman daw bilang simpleng meryenda, matamis na pang-umagahan o panghapon na panghimagas ang maruya.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na napabilang sa listahan ng Taste Atlas ang mga pagkaing Pinoy, dahil kamakailan ay pumasok sa 100 best cakes sa buong mundo ang “bibingka”.
Kasama naman sa listahan ng Taste Atlas sa 100 worst dishes sa buong mundo ang apat sa mga pagkaibng PInoy na kinabibilangan ng balut, kinalas na isang Bicol noodle soup dish, hotsilog o hotdog+sinangag+itlog at spaghetti.