20 NA MGA EMPLEYADONG SINGLE, NAKAHANAP NG KA-DATE SA VALENTINE SPECIAL NG KAPITOLYO

Nakahanap ng ka-date ang 20 empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa ginanap na Season 2 ng Cupid Tumibok ang Puso, Match Bagay Tayo noong February 14, 2023.

Layunin ng munting programa na mabigyan ng kasiyahan ang lahat ng government employees sa pangangasiwa ng Provincial Human Resource Management Office.

Dumalo sa selebrasyon ng Araw ng mga Puso sina Governor Aurelio “Oyie” Umali at Vice Governor Doc Anthony Umali upang ipakita at ipadama ang kanilang pagmamahal sa mga kawani ng pamahalaan na patuloy na naghahatid ng serbisyo sa mga Novo Ecijano.

Ayon kay Roseten Tugaff, hepe ng PHRMO, ang nasabing aktibidad ay isang friendly dating game kung saan kumuha sila ng 10 binata at 10 dalaga mula sa iba’ibang opisina ng kapitolyo na hinati sa dalawang batch.

Tatlong round ang inihanda ng tanggapan para sa mga searchers para makapamili nang mabuti kung sino sa mga searchees ang makakuha ng kanilang atensiyon base sa mga sagot nito.

Ang Round 1 ay tinawag na “A-Pair Tayo” kung saan nagtanong ang mga searchers sa searchees. Ang Round 2 ay pinamagatang “May Awesome Pa” kung saan nagbigay ng situation o challenge ang mga mamimili at may pagkakataong magpakitang gilas ang mga searchees sa pamamagitan ng physical touch. At ang panghuli ay ang “Nice Soulmate You”, ang pagkakataon para magkita ang napusuan ng mga searcher.

Sa unang Batch, napili ni Ivy Marido si Searchee Angelo Picio, Darianne Panteleon ay si Joseph Velasquez, Evelyn Dela Cruz ay si Alvin Gagote, Maria Charize Montejo ay si JR Ramento at Kristen Soriano ay si Rayson Luna.
Habang ang mga magkakapartner sa second batch ay sina Aaron Kevin Reyes and Pheona Eupherio, Aldrich Leigh and Ariane Dizon, Reneboy Cabanay and Mika Esguerra, Jack Alexis Torres and Guia de Guzman at Jose Ariel Tan and Christine Manilag.

Noong Biyernes, February 17 ay itinakda na nga ang group friendly date ng mga magkakapareha sa Moon Coffee na sponsor ng isang empelyado ng Provincial Health Office na si April Mesina. May pagkakataon ding magrefresh ang 20 empleyado ng kapitolyo sa SK’N Esthetique na matatagpuan sa 3rd floor Gramco Building, Brgy Accfa, Circumferrential Rd., Cabanatuan City.