PAGMAMAHALANG BINIGKIS NG MATIBAY NA PANANAMPALATAYA, TAMPOK NA ISTORYA SA COUNT YOUR BLESSINGS

Ibinigay ng Panginoon ang desire ng aming puso, yan ang patotoo nina Pastor Rommel at Pastora Mary Ann Magcalayo ng sila ay naging panauhin sa programang Count Your Blessings nina former Governor Czarina’Cherry’ Domingo-Umali.

Sa panayam nina Doktora Kit at guest co-host na si Joy Senados, ikinuwento ni Pastor Rommel na desire niya talaga na maging isang pastor at si Pastora Mary Ann naman ay nagnanais pakapangasawa ng isang pastor na ayon sa kanila ay isang panalangin na tinugunan ng Panginoon ng makilala nila ang isa’t isa.

Bagaman natupad ang kanilang hiling ay kinailangan ni Pastor Rommel na umalis ng bansa upang matustusan ang gastusin ng kanyang pamilya. Kaya naman ang kanyang misis ang nagpatuloy ng kanyang ministry hanggang sa humiling ito na umuwi na siya ng bansa.

Naging instrumento naman sina Governor Aurelio Matias Umali at Former Governor Cherry Domingo-Umali upang matupad ang isa pa nilang kahilingan, ang magkaroon ng Tahanan ng Panginoon sa kanilang lugar.

Sa kanilang mga pinagdaanan, nag iwan ito ng leksyon na kanilang dala hanggang sa ngayon.