PRESYO NG GULAY SA PALENGKE NG CABANATUAN, NANATILING MABABA; SIBUYAS, MATAAS PA RIN
NANANATILING mataas ang presyo ng sibuyas sa Metro Manila kahit sa palengke ng Cabanatuaan mataas parin kahit bumababa na ang farmgate prices at dumating na ang mga inangkat.
Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), mahigit P100 pa rin ang presyo nito na sana ay nasa P80-P90 na ito bawat kilo.
Sa monitoring ng Department of Agriculture (DA), P90-P150 ang presyo ng pulang sibuyas habang P80-P130 ang puting sibuyas.
Dito sa Nueva Ecija na tinaguriang Union Capital ng Pilipinas ay nasa P55-P60 bawat kilo ang farmgate price ng mga ito.
Ang pulang sibuyas dito sa sta rosa public market ay nasa P 100 bawat kilo at ang puting sibuyas naman ay nasa P 100 bawat kilo
SAMANTALA
BUMABA NAMAN ANG PRESYO NG GULAY NGAYON…
Dahil ang presyo ng gulay ngayon galing Baguio at dito sa Nueva Vizcaya ,malaki ang ibinaba ng presyo ngayon tulad na lamang ng Repolyo
Repolyo P80-P60
Carrots P120-P70
Sayote P80-P 50
Kamatis P20-P 40
Kalamansi P100
Ayon kay Mary grace Ramirez ang dahilan umano na mababa ang presyo ng gulay ngayon galing Baguio at Vizcaya dahil umano sa ,maganda ang panahon at hindi nag uulan
Para naman sa namamalengke na si Sandra De Guzman ay natutuwa umano sya at mababa ang presyo ng gulay ngayon ,at malaking tulong umano ito sa kanila
AT sa presyo ng Bangus p220 Tilapia php 130 galungong php 220 bawat kilo
At sa presyo naman ng manok php 170 to 180 atay balonnbalonan php 180 paa at ulo php 120
Medyo mataas ang presyo ng manok sa Cabanatuan public market kumpara sa presyo ng manok sa sangitan nasa php 140 per kilo