SIKRETO NG TAGUMPAY NI BINIBINING NUEVA ECIJA PRINCES LAZAGA, TAMPOK SA COUNT YOUR BLESSINGS

Kinapanayam nina Dra Kit de Guzman at Sara Faith dela Peña ang kasalukuyang Binibining Nueva Ecija 2022 na si Princes Lazaga kung paano niya napanagumpayan ang bullying na kanyang naranasan noong siya ay bata pa at kung paano niya nakamit ang tagumpay bilang isang beauty queen.

Sa kanyang panayam sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit sinabi ni Princes na noong siya ay bata pa ay kinukutya siya dahil sa pagiging matangkad at pagkakaroon ng kayumangging balat

Sa huli aniya ay naging kaibigan pa niya ang ilan sa mga tao na nang bully sa kanya noon dahilsa kanyang itsura.

Kwento pa ni Princes, naging sandalan nya sa oras ng pagsubok ang Panginoon na nagbigay sa kanya ng motivation at miracles upang magpatuloy sa kanyang mga pangarap.

Mula sa pagiging biktima ng bullying, ngayon ay representante na si Princes ng Lalawigan ng Nueva Ecija at ang kanyang payo sa kapwa kabataan na dumadaan sa pagsubok, mag deklara ng magagandang bagay in the name of the Lord