MANANAYAW NA ZARAGOZEÑO, GINAGAMIT ANG TALENTO PARA MAKATULONG SA MGA PWD’S
Gamit ang kanilang talento sa pag-sayaw ay bumuo ng dance for a cause concert ang mga grupo ng mga mananayaw na Zaragozeño upang makalikom ng pondo para makatulong sa mga persons with disability o PWD na nangangailangan ng tulong pinansyal.
Ang napagbentahan ng kanilang concert ticket napinamagatang Talento Zaragozeño Dance for a Cause ang gagamiting pantulong sa labing dalawang PWD ang napili ng grupo na kapwa nangangailangan ng tulong medikal at pinansyal.
Katuwang ng mga organizer at kabataang bumuo ng event ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development at kasama rin si Mayora Lally Belmonte na nagbigay ng kanyang suporta sa naganap na concert for a cause.
Sa aming panayam kay Marvin Vallespin, isa sa mga sumayaw sa Dance for a cause, sinabi nito na bagaman hindi kalakihan ang kanilang nalikom na pondo ay taos puso naman nila itong inihahandog sa mga benepisyaryo at sinabi rin na magkakaroon muli ng ganitong event sa susunod pang taon.