PRESYO NG LECHON, HINDI MAGTATAAS NGAYONG KAPASKUHAN

Dahil sa papalapit ang holiday season sunod-sunod na ang mga Christmas party at mga handaan at humahaba na rin ang mga order ng isa sa pinakamalaking litsunan dito sa Cabanatuan ito ay ang San and Lolet lechon.

Kung sa La Loma Quezon City na Lechon capital of the Phil. ay nasa halagang P8,500 ang maliit na buong lechon at inaasahang tataas ng 1000 to 1,500 ngayong kapaskuhan,

Dito sa Cabanatuan inaasahang hindi magtataas ng presyo ng kanilang lechong baboy ang San and Lolet.

Ayon kay Allan Cubarrubias ay hindi sila magtataas ng presyo ngayon dahil sarili nila ang kanilang mga alagang lilitsunin baboy at safe ito sa ASF o African swine fever na ikinababahala ng mga mamimili at hindi lamang iyan, marami rin silang mga freebies kapag bumili ka ng buong letchon.

Meron din umano silang cochinillo lechon na nagkakahalaga ng P6,500 at P6,000 naman ang medium ng kanilang kutsilyo at lechon belly.

Para naman sa mga walang kakayahang bumili ng isang buong lechon ay mayroon din silang mabibiling per kilo na nagkakahalaga lamang ng P800 per kilo sa mga nais umorder ay punta lamang sa kanilang FB page na San and Lolet Lechon sa Aduas Sur Cabanatuan City.

At para naman sa may-ari ng Anthony Letchon na mayroong maliit na lechonan sa kanilang bahay ay umaasa silang makakabawi sila ngayong taon dahil naging maluwag na hindi gaya ng dalawang nakaraang taon na halos wala silang kita dahil sa pandemya.

Meron din silang maliliit na lechon na mula P4,000 hanggang P5,000. Ang kanila namang 40 kilos ay nagkakahalaga ng P13,000 at ang kanilang 60 kilos ay nasa P17,000.

Para sa nais umorder ngayong kapaskuhan tumawag lamang sa kanilang numero 0965 562 6857.