PACQUIAO VS DK YOO: EXHIBITION FIGHT SA SOUTH KOREA
Matapos na magretiro ang dating senador at 2022 Presidential Candidate mula sa boxing noong nakaraang taon, muling magbabalik sa ring ang 43-anyos na pambansang kamao na si Manny Pacquiao na may 12 times world champion sa 8 division at may record na 62 panalo 8 talo 2 draw at 39 knockout.
Makakalaban nito si DK Yoo, 42 years old ng South Korea na isang mix martial arts expert, self-defense instructor, at isang sikat na youtuber na may 655k subscribers.
Gaganapin ang naturang laban ng dalawang fighters sa loob ng 6 rounds bukas Dec.10 sa Korea Exhibition Center.
Bukod pa sa laban ng dalawa na tinaguriang laban nina Mohamed Ali at Bruce Lee dahil sa istilo ng laro ng mga ito ay may ilang supporting bout ang nakatakdang laban sa undercard na mga pilipino kontra sa mga koreano.
Layunin ni Pacquiao sa labang ito na ang mapapanalunang premyo ay ibibigay niya sa mga pilipino na walang mga bahay na natitirhan para matulungan.
Dahil pangarap aniya nito na maipagpatuloy ang Pacman Village para sa mga pilipino.