SENSITIBONG BALITA

HALOS PHP2.6 MILYONG HALAGA NG DROGA, NAKUMPISKA SA REGION 3

Naglabas ng accomplishment report ang Police Regional Office 3 mula November 27 – December 3, 2022 kung saan umabot sa halos Php2.6 milyong halaga ng illegal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad sa iba’t ibang lalawigan ng Central Luzon.

244 ang total ng naarestong wanted persons, habang labindalawa ang hinuli sa illegal possession of firearms. Labing walong baril ang narekober at isinurender.

Sa labing-siyam na inilunsad na anti-illegal gambling operation ay animnapo’t anim ang inaresto kung saan nakumpiska ang mahigit Php47,000.00.

Dagdag sa accomplishment ng PRO3 sa loob ng isang lingo ang pitong hinuli para naman sa kasong robbery o pagnanakaw.