JUSTIN BROWNLEE NG BRGY GINEBRA, APRUBADO NA NG SENADO ANG PAGIGING PILIPINO
Inaprubahan na ng House of Representative sa ikalawang pagbasa ang House Bill 6224 na nagbibigay ng pagka mamamayang pilipino sa import ng Barangay Ginebra na Si Justin Donta Brownlee.
Nakasaad umano sa nasabing panukalang batas na kahit American Citizen si Brownlee ay may pusong pinoy ito at may malaking naiambag sa basketball sa pilipinas.
Matatandaan na 2016 ay unang naglaro sa pinas si Justin Brownlee bilang import ng Barangay Ginebra na hinirang na 2 time best import at naghatid ng 5 kampeonato sa koponan ng ginebra.
Naging susi rin si Brownlee para makamit ng pilipinas ang kampeonato sa Asian Basketball League.
Ipinakita rin niya ang pagmamahal sa kanyang mga pilipino fans, kagustuhang manirahan ng permanente dito sa pilipinas at nais niya ring mapabilang sa National Team ng Gilas Pilipinas sa nalalapit na 6th window ng FIBA World Qualifier sa 2023.
Nais ng samahang basketball ng pilipinas o SBP na mapadali ang naturalization ni Justin Brownlee para maihabol ang kanyang pangalan na maglalaro sa FIBA Basketball World Cup sa 2023 kung saan ang pilipinas ang magiging host.
Gaganapin ang 6th at final window ng FIBA World Cup Qualifiers sa Philippine Arena.
Makakalaban ng gilas ang Lebanon sa feb 24, at ang Jordan sa feb 27, 2023.