MATAAS NA PRESYO NG PAGKAIN, NARARANASAN SA BUONG MUNDO

Nararanasan ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain maging ang buong mundo.

Dahil lumobo ng higit 14% noong nakaraang taon ang presyo ng mga pagkain sa buong mundo, ayon sa United Nations (UN) Food and Agriculture Organization (FAO).

Ang FAO food price index ay tumaas ng 18 points mula sa naunang taon sa 143.7 puntos noong 2022.

Binabase ang price index sa buwanang pagbabago sa presyo sa pandaigdigan merkado ng limang pangunahing pagkain gaya ng cereal, karne, dairy products, mantika at asukal.
Ang meat price index ay tumaas din ng 10.4% mula 2021 at naging 118.9 points nitong 2022, pinakamataas na annual average mula taong 1990.

Ang FAO sugar price index ay umakyat din sa 4.7% na highest annual average mula 2012.

Inaasahan namang bababa na ang presyo ng sibuyas sa susunod na buwan sa nalalapit na anihan mula buwan ng Pebrero hanggang Mayo partikular na dito sa Nueva Ecija na onion capital ng Pilipinas.

Ito ay matapos na pinayagan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pag-angkat ng 21,060 metriko tonelada ng sibuyas sa bansa bilang tugon sa mataas na presyo at kakulangan ng suplay sa merkado ayon sa Department of Agriculture. Kaya inaasahang babalik na ito sa dating presyo na P150 hangang P200 bawat kilo.

Sa ngayon ang presyo ng pulang sibuyas dito sa Sangitan Public Market ay nasa P350 bawat kilo

Ang presyo naman ng mga gulay ay tumaas na rin ng halos P10 hanggang P20 pesos.

Wala namang paggalaw mula pa noong Disyembre presyo naman ng mga karneng baboy, manok at baka.