Ito ay sa kabila umano ng mga malalakas na Bagyong naranasan noong mga nakaraang Buwan gaya ng Bagyong Agaton,Florita,Karding at Paeng.
Tiniyak ng DA at siniguro na May sapat na Supply ng Bigas ang ating Bansa hanggang sa katapusan ng taon
Batay sa datos ng Department of Agriculture P19.3 Bilyon na ang halaga ng pinsala ng mga nabanggit na bagyong dumaan sa bansa.
Nasa P8.5 bilyon dito ang halaga ng pinsala sa palay. Katumbas ito ng 533, 000 metriko tonelada ng palay o mahigit sa 2 porsyento ng kabuuang target na produksiyon ngayong taon.
Isa sa programang isinusulong ng Gobyerno ay ang Masagana 150 at Masagana 200 upang matugunan ang pangangailangan ng bansa.
Dagdag pa ng DA ay paigtingin ang lokal na produksyon ng palay para mapababa ang production cost nito.