TAPAT NA PAGLILINGKOD SA PAMAMAGITAN NG PAGLIKHA NG MUSIKA, KWENTONG INIBAHAGI SA COUNT YOUR BLESSINGS

Panuno ng awit ng papuri at pasasalamat ang naging episode ng Count Your Blessings nina former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman ng kanilang maging panauhin sina Brother Larrie Ilagan at Maestro Arnel de Pano kung saan kanilang ibinahagi kung paano sila tinawag ng Panginoon sa kanilang ministry.

Kwento nina Brother Larrie at Maestro Arnel, tinawag sila sa paglilingkod sa pamamagitan ng paglikha ng papuring musika.

Bagaman may galing sa larangan ng musika ay unang naging plano ni Maestro Arnel ang mag trabaho sa opisina, isang plano na hindi naisakatuparan ng baguhin ng Panginoon ang landas nyang tinatahak at dito naisulat ni Maestro Arnel ang kanyang mga sumikat na awitin sa Panginoon katulad ng Lead me Lord at Dakilang Katapatan.

Matagal mang naglilingkod ay maituturing na may bagong musika pa rin ang kanilang nabubuo sa pag tupad ng kanilang ministry.

Para kay Larrie, hindi nagbago ang kanyang ministry mula noon hanggang ngayon at ‘yon ay magbigay ng serbisyo hindi lamang sa Panginoon kundi pati sa mga kapatid sa pananampalataya.

ikinagagalak ni Maestro Arnel na ngayon ang kanyang ministry ay ipasa na sa mga kabataan ang kanyang natutunan upang maging susunod na mga naglilingkod sa Panginoon sa larangan ng musika.