Nananatiling undefeated ang Nueva Ecija Rice Vanguards sa 4th season ng Manny Pacquiao’s Maharlika Pilipinas basketball league Mumbaki cup.
Ito ay matapos nilang pataubin ang Valenzuela Xur Homes Realty kagabi July 19, at ang Bacolod Bingos Plus sa kanilang homecourt sa city of smile Bacolod city noong Lunes July 18, 2022.
Kung naging magaan ang laro kagabi ng mga bata ni Coach Jerson Cabiltes sa Valenzuela sa score na 68-61, naging mabigat naman ang laban ng Nueva Ecija Rice Vanguards sa homecourt advantage ng Bacolod Bingo Plus na nagpamalas ng matinding depensa.
Sa simula pa lamang ng 1st quarter ay lumamang na kagad sa kanila ang Bacolod Bingos sa score na 20-12, hanggang sa second quarter sa score na 31—24. Hindi naka porma ang Vanguards hanggang sa 4th quarter dahil sa matinding depensa at opensa ng kalaban.
Pero dahil may dugong mandirigma ang mga Novo Ecijano ay muling inulit ni Jay-Jay Collado ang ginawang 3 points shoot sa laban nila dati ng San Juan Knights nang tumira ulit ng isang matinding 3 points para makadikit sa 50 –49 sa nalalabing 52 seconds sa last quarter kung saan napwersa ang overtime ng laro na nagtapos sa score na 52 all.
Umaabot pa ulit ito sa 2nd overtime sa score na 67 all.
Matinding depensa pa rin ang natikman ng Vanguards sa City of Smiles na may napakaraming crowd sa MPBL history dagdag pa ang napakababang 40% sa free throw at 25 turnover ng Nueva Ecija.