ROLLBACK SA PRESYO NG DIESEL AT KEROSENE KAPIRANGOT; GASOLINA TUMAAS NG P1.40

Tumaas ng P1.40 centavos bawat litro ang gasolina kahapon Martes ng umaga Nobyembre 8,2022 at kapirangot naman na .50 centavos sa bawat litro ng Diesel at .35 centavos naman sa kerosene bawat litro.

Ilan umano sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo sa gasolina ay ang panahon ng winter sa ibang bansa, in-demand maging ang Liquefied Petroleum Gas (LPG) dahil ito ay heating fuel na nagpapainit sa mga bansa sa northern hemisphere.

Bukod dito, nariyan pa rin umano ang banta ng anunsyo ng pagbabawas ng production ng mga miyembro ng oil producing exporting countries.(OPEC)

Hindi pa rin nareresolba ang kaguluhan sa Russia at Ukraine.

Sa mga produktong petrolyo naman na may pagbaba sa presyo, ang mga dahilan nito ay ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin para magdulot ng global inflation at kalaunan ay global recession.

Inaasahan din umano na hihina pa ang piso kontra dolyar,,dahil sa mataas na interest rates sa Amerika na tataas ang mga imported’ goods tulad ng mga petroleum products