IPINUHUNAN PALAY NG MAGSASAKA SA PEÑARANDA, NABAWI DAHIL SA PROVINCIAL FOOD COUNCIL
Nakabawi sa puhunan sa pagtatanim ng palay ang magsasaka sa Brgy. Sinasajan sa bayan ng Peñaranda dahil sa pagbili ng Provicial Food Council sa pamumuno ni Gov. Aurelio “Oyie” Umali.
Umabot sa P98,000 ang nagastos ni Nanay Cathalina Suares Garcia sa kanyang mahigit dalawang ektaryang bukirin dahil sa sobrang mahal ng abono o pataba.
Dahil sa nabili ng kapitolyo ang kanyang aning palay sa halagang P16.30 kada kilo ay ibabayad lamang sa utang ng 72-anyos na magsasaka ang pagbibilan.
Ayon kay Nanay Cathalina, tinangay ng Bagyong Karding at nalugas ang kanyang pananim kaya 118 kaban lamang ang napakinabangan dito.
Labis ang papasalamat ng senior citizen kay Gov. Oyie dahil kinuha pa rin nito sa mas mataas na presyo ang kanyang palay kumpara sa umiiral na halaga sa kanilang lugar na nasa P9.00 – P13.00 kada kilo.