Pagpapatawad at pananalig sa Diyos, tampok sa Count Your Blessings
Masakit mang balikan ang nakaraan kung saan pumanaw ang kanilang panganay na anak dahil sa isang aksidente ay ibinahagi pa rin ni Dr. Rowena Marquez at Brother Alvin Marquez ang kanilang karanasan sa Programang Count Your Blessing noong Sabado September 24.
Pumapatak ang mga luha ng mag-asawa maging ni Former Governor Cherry Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman ng i-kwento ni Dra Rowena ang karanasan na nag dulot ng sakit sa kanilang puso.
Dahil sa aksidente sa motor ay maagang kinuha ang kanilang panganay na anak na si Archie. Bagay na nagpahirap sa kanilang puso dahil kamag-anak mismo nila ang nag turo sa kanilang anak ng lingid sa kanilang kaalaman.
Bagaman, nasaktan ay hindi naman nila isinara ang kanilang puso sa pagpapatawad lalo na at magkakasama lang sila sa iisang compound.
Sa huli ang kanilang nakita ang mas mahalagang turo na maibibigay sa mga anak, yan ay ang maging malapit sa Diyos at mabuhay ng may purpose