SENSITIBONG BALITA:
Most Wanted Persons sa mga bayan ng Guimba at Sto Domingo, arestado ng NEPPO
Arestado ng Nueva Ecija Police ang dalawang tinaguriang Municipal Most Wanted Persons sa magkahiwalay na manhunt operations noong Martes, Setyembre 20, 2022.
Kinilala ang mga suspek na sina MARLON TABING y Gorgonio dahil sa kasong Attempted Rape na may inirekomendang piyansa na Php200,000.00 at nakalista bilang Most Wanted Person ng bayan ng Quezon; at ROBERT AQUINO y Buizon na nakalista bilang Most Wanted Person ng Sto. Domingo sa bisa ng warrant of arrest para sa 3 counts ng Bouncing Check Law (BP 22) na may inirekomendang piyansa na Php18,000.00 bawat isa.
Katulad nito, sa Brgy. San Francisco, Sto Domingo, Nueva Ecija operatives ng Sto. Domingo MPS inaresto
Ayon kay PCOL RICHARD V CABALLERO, Officer In- Charge, NEPPO nagsagawa ng Manhunt Charlie Operation ang joint operatives ng Quezon Municipal Police Station, Guimba MPS, 3rd Platoon 2nd PMFC-NEPPO at 303rd Maneuver Company RMFB3 sa Barangay Triala, Guimba, Nueva Ecija na nagresulta sa ang pag-aresto sa mga suspek.
Nasa kustodiya na ngayon ng operating units ang mga akusado.