• Nueva Ecija News
  • National News
  • Other News
    • Arts
    • Business
    • Culture
    • Entertainment
    • Fashion
    • Health
    • Lifestyle
    • Technology & Science
  • Photos
  • Videos
  • About

CLSU Maestro Singers, back to back champion sa international choir competitions | TV48 Station

Posted by philpiccio | Oct 31, 2024 | Nueva Ecija News | 0 |

CLSU Maestro Singers, back to back champion sa international choir competitions | TV48 Station

CLSU Maestro Singers, back to back champion sa international choir competitions

Back to back champion ang Central Luzon State University Maestro Singers sa dalawang magkaibang international choir competitions na ginanap sa Japan at Taiwan nitong July 29 hanggang August 2, 2022.

Umani ng mga pangunahing parangal ang CLSU Maestro Singers sa ilalim ng Category V o virtual category 2022 Tokyo International Choir Competition sa Harumi na ginanap sa Dai-ichi Seimei Hall, Tokyo, Japan.

Kasama sa mga parangal ang Category Winner na may score na 89.40, Gold Prize Award at Audience Prize Award para sa pinakamataas na bilang ng likes sa Youtube.

Nasungkit din ng nasabing grupo sa Taipei International Choral Festival ang dalawang parangal na Category Winner para sa Virtual Choir Competition at ang Gold Award na may markang 90.15.

Hindi naman inexpect ng grupo na sila ang mananalo sa kategoryang kanilang sinalihan dahil mahuhusay ang kanilang mga nakalaban na mula sa Japan at Taiwan.

Ang kanilang masterpiece version ng “Paraiso” na isinulat ni Ryan Cayabyab at inayos ni Christopher Borela ang kanilang naging entry sa dalawang nabanggit na kompetisyon. Kasama sa kanilang naging premyo ang tropeo at certificate.

Ang CLSU Maestro Singers ay kilala na sa pagsali sa mga international choir competition kung saan ngayong taon ay tatlong beses na silang lumahok sa ibang bansa at lahat ng ito ay kanilang napagtagumpayan.

Share:

Rate:

PreviousMga Produktong gawang Novo Ecijano, mabibili sa NE Pacific Mall
NextEpisode 3 – Oral health: Oramismo Tamang pangangalaga sa gilagid ni baby

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Mahigit sampung libong mga guro sa Lalawigan, nakiisa sa pagdiriwang ng ika-114TH Founding Anniversary ng DepEd Nueva Ecija

Mahigit sampung libong mga guro sa Lalawigan, nakiisa sa pagdiriwang ng ika-114TH Founding Anniversary ng DepEd Nueva Ecija

September 3, 2015

1,307 Novo Ecijano na biktima ng Typhoon Lando, tumanggap ng tulong pinansyal mula sa DSWD

1,307 Novo Ecijano na biktima ng Typhoon Lando, tumanggap ng tulong pinansyal mula sa DSWD

March 21, 2018

20% Development Fund ng 2016 budget ng Bayan ng Cabiao, pina-realign ni Mayor Ramil Rivera

20% Development Fund ng 2016 budget ng Bayan ng Cabiao, pina-realign ni Mayor Ramil Rivera

October 12, 2016

191 Candidate Soldier ng 7ID, Nagtapos ng Basic Military Subjects

191 Candidate Soldier ng 7ID, Nagtapos ng Basic Military Subjects

October 21, 2019

Leave a reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *