Sa loob ng halos apat na buwan na pagsasanay ay itunuro sa 191 Candidate Soldier ang mga basic military subjects, kagaya ng tamang paggamit ng kanilang mga armas, Stakeholder Engagements and Respect to human rights.

napili bilang number 1 sa batch 613-19
Bakas ang kasiyahan ng nangunguna o number 1 sa batch 613-19 na si Private Churchill Nave Llabore bente dos anyos mula sa Maramag Bukidnon sapagkat natapos nito ang kaniyang hinahangad na propesyon.
Lubos ang pasasalamat ni Llabore sa kaniyang mga mahal sa buhay at sa mga tao na tumulong sa kaniya simula sa kaniyang pag-aapply bilang isang sundalo.
Kabilang rin si Candidate Soldier Private Gregorio Lopez, bentedos-anyos mula sa Barangay Bantog, Guimba Nueva Ecija na taos puso ang pasasalamat sa mga taong tumulong sa kanya at nagbigay inspirasyon upang huwag sumuko sa laban.
Si Lopez ay nakikigapas lamang dati ng palay upang makapag-patuloy sa pag-aaral dahil hirap rin ang kaniyang pamilya sa pamumuhay.

Proud nanay naman si aling Marcelina Lopez para sa kaniyang anak dahil matagal naraw nitong pangarap ang makapagtapos bilang isang sundalo.
Ayon kay Chief Of Division Public Affairs Office Major Armando Gutierrez hindi pa rito natatapos ang pag-eensayo ng mga bagong sundalo ng pilipinas dahil magkakaroon pa ang mga ito ng jungle and mountain orientation course at battalion tactics couse o (bts).
Nakatakda rin umanong ipadala ang mga bagong sundalo sa Luzon, Visayas at Mindanao bilang karagdagang puwersa sa Philippine Army. Ulat ni Myrrh Guevarra