Sinimulan ni Mayor Ramil Rivera ng Bayan ng Cabiao ang kanyang State of the Municipality Address sa paglalahad sa estado ng Kaban ng Bayan, ngunit bago ito nagpatuloy ay nagpasintabi at humingi kaagad ito ng paumanhin sa sinundang administrasyon dahil sa nilalaman ng kanyang pag-uulat sa bayan.

   Inihayag ni Mayor Rivera na mula sa 20% Development Fund na umaabot ng P26.8 million mula sa mahigit P133 million na Internal Revenue Allotment ng Cabiao para sa 2016 ay mahigit P13 milyon na lamang ang naabutan nito nang maupo siya noong July 1, 2016.

   Ibinunyag nito na naglaan ng pondo ang dating administrasyon ng Cabiao ng P3.7 million para sa Materials Recovery Facility kung saan P1.75 million ay inilaan para sana sa pambili ng makina ng basura, ngunit nawala aniya ang pondo at maliit na halaga na lamang ang naabutan nito.

Inilahad ni Mayor Ramil Rivera sa kanyang Pag-uulat sa Bayan para sa unang isang daang araw ng kanyang panunungkulan ang kalagayan ng kaban ng bayan ng Cabiao, mga nagawang proyekto at mga plano para sa susunod na tatlong taong panunungkulan.

Inilahad ni Mayor Ramil Rivera sa kanyang Pag-uulat sa Bayan para sa unang isang daang araw ng kanyang panunungkulan ang kalagayan ng kaban ng bayan ng Cabiao, mga nagawang proyekto at mga plano para sa susunod na tatlong taong panunungkulan.

   Upang magamit sa tama ang natitirang pondo sa 20% development fund ay napagpasyahan ni Mayor Rivera na ipa-realign ang natitirang P13 million upang dalhin sa mga proyektong mas mapakikinabangan ng taong bayan.

   Ipinarepaso din nito sa Municipal Planning and Development Office ang mga proyektong nakalatag sa 20% development fund na maaaring palitan ng mas kapaki-pakinabang na mga proyekto.

   Gamit ang mga natitirang pondo, naglaan ang Pamahalaang Bayan sa pamumuno ni Mayor Rivera ng P800 thousand para sa pambili ng shredding machine, P1.5 million para sa pambili ng lupa para sa landfill o tapunan ng mga basura, na sampung taon nang suliranin ng naturang bayan.

   Ang halagang 2 million mula sa tatlong milyong piso na natira sa pondo ng Municipal Disaster Risk Reduction Management ay ginamit sa pambili ng rescue truck na pangunahing makikinabang ay ang mga residente ng Brgy. Isabel at Brgy. Bagong Sikat na lubhang binabaha tuwing sasapit ang bagyo.

   Naglaan din ng mahigit na apat na milyong piso mula sa 2016 budget para sa pambili ng bagong ambulansya at innova na magagamit sa panahon ng emergency.

   Inilahad din ni Mayor Rivera ang kanyang mga nagawa at nasimulang proyekto sa loob ng unang isang daang araw ng kanyang panunungkulan na naisakatuparan sa kanyang pagsisikap at sa tulong na rin ni Dating Governor Aurelio Matias Umali na nagkaloob ng 19, 420 bags ng semento.

   Ilan sa mga pagawaing ito ay ang Construction of parking area sa compound ng Munisipyo, Road Concreting ng Brgy. Entablado na may 180 meters at Brgy. Bagong Silang na may 300 meters, re-gravelling ng mga Farm to Market Roads na suportado din ni Gov. Cherry Umali, at marami pa.

   Pangarap din ni Mayor Rivera na makapagpatayo ng kauna-unahang Floating Market sa Nabao Lake na magbibigay ng trabaho sa mga mamamayan ng bayan ng Cabiao.

Kabilang sa 2017 Annual Budget ng Bayan ng Cabiao sa pamumuno ni Mayor Ramil Rivera ang pagpapatayo ng kauna-unahang Floating Market sa Nueva Ecija, na inaasahang makapagbibigay ng trabaho at magpapalakas ng turismo ng kanilang lugar.

Kabilang sa 2017 Annual Budget ng Bayan ng Cabiao sa pamumuno ni Mayor Ramil Rivera ang pagpapatayo ng kauna-unahang Floating Market sa Nueva Ecija, na inaasahang makapagbibigay ng trabaho at magpapalakas ng turismo ng kanilang lugar.

   Binanggit din nito ang kasalukuyang konstruksyon ng bagong Ospital at renovation ng nasunog na ospital sa Brgy. Sta. Ines, na maaaring sumalo sa ilang job orders ng Munisipyo.

   Nagbigay din ng mensahe si Mayor Rivera sa kanyang mga kritiko na huwag muna siyang husgahan dahil isang daang araw pa lamang siyang nakaupo bilang Punong Bayan ng Cabiao at siniguro nito na matapos ang tatlong taon ay mapatutunayan nito na hindi nagkamali ang taong bayan sa pagluklok sa kanya sa pwesto.

   Samantala, bilang kinatawan nina Former Governor Oyie Umali at Governor Cherry Umali ay nagsilbing Panauhing Pandangal si Provincial Assessor Florante Fajardo na nagpahayag ng kanyang paghanga sa mga planong inilahad ni Mayor Rivera partikular na sa pagtatayo ng Floating Market na makapagbibigay aniya ng dagdag atraksyon sa bayan ng Cabiao. -Ulat ni Jovelyn Astrero