Niyanig ng Magnitude 7 na lindol ang Abra kaninang umaga bandang 8:43 AM.
Sa aming panayam kay Wilmer Legaspi, Science Research Analyst ng Palayan City Seismic Station, sinabi nito na ito ang pinaka malakas na lindol na naranasan ng Pilipinas ngayong taon.
Naramdaman ang lindol sa buong Luzon kung saan umabot sa magnitude 3 ang naramdaman sa Nueva Ecija.
Paalala ni Legaspi sa oras nang paglindol ay manatiling kalmado at magtago sa ilalim ng lamesa o maghanap ng silong para maprotektahan ang sarili habang nagaganap ang lindol.