Arestado ang isang tricycle driver matapos ireklamong nangmanyak ng isang teacher sa Sangitan Public Market sa Cabanatuan City noong July 10, 2022 7:30 ng umaga.
Kinilala ang suspek na si NIKKIE DELA CRUZ Y Javier, 33 years old, may asawa, at residente ng Barangay San Josef Sur, Cabanatuan.
Ayon sa trentay uno anyos na biktima na itinago sa pangalang ‘ADY’, habang abala siyang namimili ng isda sa wet section ng palengke ay naramdaman niya ang pagkiskis ng ari ng suspek sa kanyang puwit.
Kaagad na isinumbong ni Ady ang insidente sa security officer ng Sangitan Market kaya hinuli ang suspek at dinala sa Cabanatuan City Police Station kung saan inihanda ang kasong Acts of Lasciviousness.