Iniimbestigahan pa rin sa kasalukuyan ng kapulisan ang naganap na nakawan sa isang gasolinahan sa Cabanatuan City kung saan natangay ang Php198,000.00 na cash.
Sa salaysay ni Bernadette Dayao, Area Manager ng Refuel Gasoline Station sa Maharlika Highway, Mayapyap Sur, Cabanatuan, bandang alas dos ng madaling noong July 9, 2022 nang ilagay ang kinitang pera sa drawer ng lamesa sa loob ng staff office.
Pero kinuha at itinakbo umano ito ng isang hindi nakilalang lalaki na dali-daling sumakay sa isang kulay puting Yamaha Mio motorcycle na tumalilis papuntang Barangay Valdefuente ng nasabing lungsod.