Patuloy sa pagbibigay ng libreng training ang PMTC o Provincial Manpower Training Center para sa mga out of school youth at sa lahat ng Novo Ecijano na nais matuto sa iba’t ibang skills para magamit sa paghahanap ng trabaho, local man o abroad.
Ang PMTC ay may iba’t ibang course na pwedeng pagpilian, mayroong NCII Assessment ng TESDA gaya ng Shielded Metal Arc Welding, Beauty Care, Hairdressing, Massage therapy, at sa wala namang NCII ay Computer Servicing, Ref and Aircon, Automotive, Electrical, Engine Component and Tune Up, Auto Under Chassis, Electronic Servicing, Dressmaking and Tailoring Advance Autocad, at marami pang iba.
Ayon kay PMTC Chief Raul Esteban, layunin ng programa na mabigyan ng sapat na kaalaman at kakayahan ang mga kabataang na magagamit nila sa paghahanap ng maayos na trabaho para makatulong sa kanilang pamilya at umasenso sa kanilang buhay.
Kwento ni Elizabeth Julve, trainer ng massage therapy na napaka in demand nito sa ibang bansa, kaya pagkatapos ng kanilang training na 120 hours in 45 days, ay tinutulungan nila sa assessment ang mga nakapagtapos para makakuha ng NCII Certificate sa tesda na magagamit, sa paghahanap ng trabaho sa abroad.
Para kay Michael Dela Cruz ng Barangay Palagay, Cabanatuan City, isang grade 12 student, mas mahalaga sa kanya ngayon ang makapag training kaysa magpatuloy sa pag-aaral sa koliheyo para makapag trabaho kagad para makatulong sa kanyang magulang lalo na sa kanyang tatay na pamamasada ng tricycle ang pinagkakakitaan.
Pasasalamat naman ang ipinaabot ng pamunuan ng PMTC kay Governor Aurelio Umali at Vice Governor Doc Anthony Matias Umali dahil sa programa para mabigyan ng sapat na kakayahan ang mga kabataan sa lalawigan.
Sa mga nais mag-enroll sumadya sa PMTC na may mga sangay sa Cabanatuan, Gapan, Guimba, Bongabon, at San Jose City. – ulat ni Smile Supetran III