Tinampok ang iba’t ibang replica ng mga kilalang Birhen sa Bansa sa Walter Mart Cabanatuan City sa pangunguna ng Los Amantes De Jesus Y Maria na parte ng Selebrasyon ng Buwan ng Santa Rosario.

Pinili nila na mag tanghal ng iba’t ibang mga imahe ng Birheng Maria sa mga mall kung saan maraming tao upang maipakita sa mga deboto na ang Birheng Maria ay nasa lahat ng dako at upang ipabatid na rin ang selebrasyon ng buwan ng santa Rosario.

Replica ng  Nuestra Senora delas Saleras ng Aliaga, isa sa tampok ng exhibit

Isa sa mga highlight ng exhibit ay ang mahal na birhen ng Nuestra Senora de las Saleras o  mahal na Ina  sisidlan ng asin.

Dahil sa palaging nilulubog ng baha ang Aliaga ay itinalaga ang nuestra Senora De las Saleras sa Bayan upang protektahan ang mga deboto nito.

Noong taong 1936 ay nilubog ang buong bayan ng aliaga ng dahil sa baha at ayon sa mga tao sila ay pinrotektahan ng isang babae na may mahabang buhok na sa kanilang paniniwala ay ang Nuestra Senora de las Saleras.

Isa lamang ang Nuetra Señora de las saleras sa limampu’t dalawang imahe ng Mahal na Birhen na makikita sa Exhibit.

Nuestra Señora de Aranzazu

Nuestra Señora de Aranzazu, replica ng Birhen na konoronahan ng Vatican nito lamang May 31 2017 na matatagpuan sa  San Mateo Rizal na kilala dahil s amagiging milagroso nito at pagbibigay ng proteksyon sa baha.

La Virgen Divina Pastora

La Virgen Divina Pastora kung saan ito ay matatagpuan sa Gapan City na itinalaga bilang National Shrine ng Virgen la  Divina Pastora at patrona ng Nueva Ecija at kilala rin bilang Reyna ng Gitnang kapatagang Luzon.

Nuestra Señora dela Barangay

Nuetra senora dela barangay na ang imahe ay matagpuan sa Bohol at marami pang iba.

“Maria, Tagapagbuklod ng Pamayanan” Tema ng Buwan ng Pagdadasal Sto. Rosario

Patuloy naman ang pag anyaya ng Los Amantes De Jesus Y Maria sa mga deboto na makiisa sa pagbibigay pugay sa Birheng Maria sa pamamagitan ng pag sama sa mga aktibidad- Ulat ni Amber Salazar