Isa ang Grain Dryer Machine sa mga ipinakikilala ng Agri Barn at Yasar Group Philippines sa ginanap na Agricultural Forum sa Hotel Francesko, San Jose City noong September 26, 2019.
Ipinakita mismo ng mga nasabing kompanya sa mga Ricemill Owners at mga magsasaka kung paano ang proseso ng paggamit ng grain dryer.
Inihihiwalay nito ang mga sira o durog na bigas sa mga buo at maging ang mga bato na nahahalo sa mga aning palay.


Ang ilan pa sa mga makinarya na iniendorso ng Agri Barn at Yasar Group ay ang paddy husker, de-stoner, paddy sieve, pre-cleaning sieve, paddy separator at thickness grader.
Ang mga teknolohiyang ginamit sa makinaryang ito ay mula sa Turkey na nagsimula noong taong 1969 sa maliit na pagsasanay ng mga nasabing kompaya. Ngayon, mas lumaki dahil nagsimulang magkaroon ng mas maraming investment hanggang nagkaroon ng pagkakakilanlan sa ibat-ibang parte ng mundo, na umaabot na sa limampong bansa.
Layunin ng Agri Barn at Yasar Group Philippines na makatulong ang mga makinaryang ito sa mga magsasaka at mga ricemill owners upang maitaas ang kalidad ng kanilang produkto maging dito sa Nueva Ecija.
Ayon kay Mr. Glenn Berdin, Treasurer ng Yasar Group Philippines maganda ang benepisyo nito lalo na sa mga farmers at ricemill owners dahil mas tataas ang recovery ng mga aanihin nilang palay.
Kabilang sa kompanya ng Agri Barn Yasar Group Philippines ay ang group companies na Machinery Manufacturing Sector, Food Production Sector, Energy Production Sector, Trade Sector, BC Hotel Tourism and Hotels Sector, Domestic & Foreign Trade Sector, Construction Sector at Petroleum Products Sector. ulat ni Myrrh Guevarra.