
Ituturo sa mga kabataan sa pamamagitan ng pagsasama sa school curriculum ang buhay at kultura ng mga katutubo ng Pilipino.
Nagsagawa ng Regional Training para sa mga guro ng Ikatlong Rehiyon ukol sa Integration of IP Education/ Studies into the Higher Education Curricula
Ang paglalagay ng aralin sa mga katutubo sa mataas na paaralan ay alinsunod sa Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order 2 series of 2019 kung saan nakasaad na inaaprubahan nito na magkaroon ng paksa sa pag aaral tungkol sa mga katutubo.
Katuwang ang mandato ng Republic act 7722 kung saan inaatasan ang CHED na:
- isulong ang kalidad na edukasyon.
- Magkaroon ng mas malawak na access para makapag aral sa mataas na paaralan.
Ang mandato ng Republic Act 10908 kung saan inaatasan ang basic at higher education na ituro ang Filipino-Muslim at indigenous peoples history and culture.
Sa panayam kay CHED Commissioner Ronald Adamat ang pag aaral sa togograpiya, kasaysayan,adbokasiya, pamumuhay at karapatan ng isang katutubo ay makatutulong upang magamit nila ang kaalaman na ito sa pagpapaunlad ng bansa.

Sa paliwanag ni Dr. Feliciana Jacoba, President ng Nueva Ecija University of Science and Technology makakatulong ang pag aaral upang mas maintindihan ng mga kabataan ang kapwa nito kabataang katutubo.
Hindi aniya lingid sa kaalaman ng nakararami na ang mga kabataang katutubo ay hindi nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa malayo sa kabayanan ang kanilang mga tahanan, kahirapan at maging ang diskriminasyon.
Sa datos ng United Nations Development Program ang dami ng mga katutubo sa bansa ay nasa mahigit kumulang 14 – 17 million kung saan karamihan dito ay matatagpuan sa Hilagang Luzon. – Ulat ni Amber Salazar