Masayang nagsipag tapos ang tatlumput anim na mag-aaral ng Alternative Learning System sa Provincial Jail Office of Nueva Ecija na isinagawa sa Caalibangbangan, Cabanatuan City noong nakaraang July 25, 2019.

Isa si Ivan Mariano at Melissa Montero na tumanggap ng parangal bilang pinakamahusay na nagtapos ngayong taon.
Ayon kay Ivan, malaki ang kaniyang pasasalamat na nagkaroon ng ganitong programa para sa kanila.
Natutunan din ni Ivan na magkaroon ng respeto sa sarili, paggalang sa kapwa at pagpipigil na magalit.
Ngayong taon na ang ikalawang beses na nakapagpatapos ang Provincial Jail ng mga nakakulong sa ilalim ng ALS Accreditation & Equivalency Test Passers na unang naaumpisahan noong taong 2015.
Kasabay nito, nagbigay din ang Alternative Learning System ng kaalaman sa welding, hilot welness massage, dress making at maging sa pag-luluto.
Ang programa na ito ay pinamumunuan ng Department of Education kung saan ay nagsumite ang Nueva Ecija Provincil Jail ng kahilingan sa tanggapan ng Division of Nueva Ecija na pinamumunuan ni Dr. Ronaldo Pozon.
Layunin nito na mabigyan ng wastong kaalaman at tamang edukasyon ang mga taong naligaw ng landas upang sa ganon ay mas maging maayos ang kanilang pamumuhay sa kanilang paglaya. -Ulat ni Myrrh Guevarra