O! Pag-ibig kapag pumasok sa  puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.

Nagmahal, Nasaktan, Nagkatuluyan.

Yan ang Love story nina Brelon Juliano at Jocel Mae Ramirez na ipinaglaban ang kanilang pagmamahalan.

Nagkakilala sina Brelon at Jocel sa isang event ng kanilang tiyahin, ipinakilala sa isa’t isa,  nagmahalan hanggang wala pa isang buwan ay nagpasya na ang dalawa na magtanan.

Buntis na noon si Jocel ngunit binawi pa rin ng mga magulang sa lalaki, humantong sa kasuhan, hanggang sa huli ay pumayag at nanaig pa rin ang kanilang pagmamahalan.

Sa anim na taong pagsasama ay nagpasya na  ang dalawa na magpakasal, ani Jocel, kailangan aniyang  maging praktikal sa dami ng gastusin sa panahon ngayon, ang importante naman aniya  ay  maselyuhan na ang kanilang pagsasama ng kaniyang kabiyak.

Sa aming panayam kay San Antonio Mayor Arvin Cruz Salonga, bilang offeciating at solemnizing officer at tumatayong pangalawang magulang ng mga bagong kasal, “Kasalang Bayan” aniya ang naisip na solusyon upang matulungan ang mga kababayan niyang nagnanais nang makasal pero kapos sa budget.

Nagsimula ang kasalang Bayan noong 2016 nang maupo si Mayor Arvin Salonga, kung saan dalawang beses sa isang taon ito isinasagawa.

Magmula wedding arrangements, caterings, photographer, lisensya hanggang sa wedding give aways ay sinagot na ng Pamahalaang Bayan ng San Antonio para sa mga nakiisa sa kasalang bayan.

Sa pagtatapos ng seremonya regalo at kasiyahan sa mga bagong kasal ang hatid ni Mayor Arvin Cruz Salonga para sa espesyal na araw ng mga magsing irog.-Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN