Patay ang driver ng isang motorsiklo matapos sumalpok sa trailer truck sa barangay San Miguel na Munti, bayan ng Talavera.
Kinilala ang biktimang si Winston Paul Ciriaco y Calamanan, 27 years old, binata at residente ng Bonifacio, Cabanatuan City.
Habang ang driver ng truck ay si Aldrin Buenaventura y de Jesus, trenta’y tres anyos, walang asawa, at naninirahan sa barangay Calawitan, San Ildefonso, Bulacan.

Patay ang 27-anyos na binate nang humampas ang mukha nito sa trailer truck nang mag-overtake sa trailer truck sa Talavera.
Base sa report ng Talavera Police Station, bandang alas syete ng umaga noong May 31, 2019, patungong Manaoag, Pangasingan ang convoy ng mga motorsiklo, isa na ang minamaneho ni Ciriaco na nakasunod sa truck.
Nagulat umano ang biktima dahil nang ma-overtakan niya ang trailer truck ay may kasalubong siyang bisikleta kaya nagpreno ito at gumewang ang motor at tsaka humampas ang kanyang mukha sa gilid ng truck.
Itinakbo ng team ng Balitang Unang Sigaw si Winston Paul sa Good Samaritan Hospital sa Cabanatuan pero idineklarang dead on arrival.
Iniurong naman ng pamilya ng biktima ang kaso para sa driver ng trailer truck at nagkasundo na lamang na tutulong sa mga nagastos dahil sa aksidente. – ulat ni Clariza de Guzman